Rafanan bagong hepe ng planning department ng Comelec

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtatalaga kay dating Law Department Director Atty. Ferdinand Rafanan bilang bagong hepe ng planning department ng poll body.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., anumang araw ngayong buwan ay maaari nang mag-report sa bagong opisina si Rafanan.

Nabatid na papalitan ni Rafanan sa puwesto si Dir. Esmeralda Ladra, itinalaga naman bilang acting deputy executive director for administration (DEDA) ng Poll Body.

Sinabi ng Comelec chairman na wala silang mahanap na puwesto para kay Rafanan kaya’t sa planning department na lamang nila ito itinalaga, na nag-iisang puwestong mababakante sa ngayon.

“Wala kaming makitang pwesto e. Yun lang kasi ang mababakante,” ayon pa kay Brillantes.

Una nang inalis ng Comelec en banc si Rafanan bilang hepe ng Law department upang matutukan ang kaniyang trabaho bilang kinatawan ng poll body sa Joint Comelec-Department of Justice (DOJ) Committee na mag-iimbistiga sa mga dayaang naganap noong 2004 at 2007 elections.

Gayunman, noong isang linggo, napagkasunduan ng Comelec en banc na alisin si Rafanan sa panel dahil sa umano’y pagiging pasaway nito at pagiging isang kritiko ng sarili nitong ahensiya na pinaglilingkuran.

Inaasahang sa susunod na linggo ay inaanunsiyo naman aniya nila ang susunod na magiging hepe ng law department.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply