Raffy and Hazel ng Biggest Loser may future sa showbiz

KAHIT na pareho sigurong di magwagi sa The Biggest Loser sina Raffy Tan at Hazel Chua, may magandang future na naghihintay sa kanila sa showbiz. Pwede silang i-build up ng ABS-CBN na loveteam, gaya ng ginawa ng network kina Gerald Anderson at Kim Chiu, Jason Francisco at Melai Cantiveros. Gaya ng mga nabanggit, naging mag-sweetheart sina Raffy at Hazel habang nasa loob sila ng The Biggest Loser camp sa Cavite.

Kabilang din sina Raffy at Hazel sa limang finalists ng kakaibang paligsahan na binili ng ABS-CBN ang franchise. At actually, sila rin ang may pinaka-artistahing itsura sa mga finalist. Pareho silang 22 years old pa lang, kaya pwede pang mag-loveteam.

Pero malaking swerte rin ang mapapala ng magwawagi. May one million pesos ang grand prize winner, isang condo unit mula sa SMDC (hindi na mula sa controversial Globe Asiatique), kung anu-anong appliances (including a Sony Brava TV set). May half-a-million pesos naman sa second prize winner. May mga premyo rin sa mga runner up, pati na sa non-finalist na may pinakamalaking timbang na mababawas.

Sa October 8 pa ang grand finals, at sa Yñares Coliseum ito gaganapin kung saan magkakaroon din ng weight watchers exhibit the whole day.

Oo nga pala, magkakaroon ng season 2 ang The Biggest Loser, at celebrtity edition. At ayon kay Reilly Santiago, na isa sa mga executive ng show, as far as he knows, si Sharon Cuneta pa rin ang magiging host nito. Which means, hindi totoong lilipat ang megastar sa TV 5. O kung totoo mang lilipat siya, pagkatapos pa ng season 2 mangyayari yon.

Parang nagsimula lang naman ang bali-balitang lilipat si Sharon nung mapag-alaman ng ilang reporters na nagpapa-manage siya uli kay Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Entertainment na malapit ngayon sa TV 5 at sa big boss naman duon na si Manny Pangilinan. Si Boss Vic din ang parang business manager ni Willie Revillame.

Actually, bale co-manager si Boss Vic, co-manager ni Sandra Chavez. Pero yun nga, dahil malapit si Boss Vic sa TV 5, may mga nagko-conclude na kaya kinuha siya ni Sharon na co-manager ay para makalipat siya sa TV 5.

Parang medyo sumasama ang reputasyon ngayon ng Kapamilya Network. Pati si Robin ay napapabalitang gustong sundan ang misis n’yang si Mariel Rodriguez sa TV 5, dahil di raw ito happy sa naganap sa action series n’yang Guns N Roses sa ABS-CBN. Pero dalawang taon pa ang kontrata ni Robin du’n kaya paano siya lilipat? Pwera na lang kung bibilhin ng bilyonaryong si Manny Pangilinan ang kontrata ni Robin!

Dagdag pa sa pampapakla ng reputasyon ng ABS-CBN ang diumano’y pahayag ni Nora Aunor na never na siyang magtatrabaho uli sa ABS-CBN, at ang nasabing kumpanya raw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagdesisyon na lumikas na lang sa Amerika.

Sa October 3 na nga pala magsisimulang ipalabas sa TV5 ang teleserye ni Guy na Sa Ngalan ng Ina. Di kami naimbita sa press launch ng show kaya di namin napanood ang premiere episode nito. Maraming Noranian reporters na nag-post ng trailer nito sa Facebook kaya yun pa lang ang napanood namin. Maganda naman ang trailer, at magaling pa rin umarte ang superstar. At malaki ang cast nito.

Parang tuliro nga ang ABS-CBN ngayon for some reasons. May isang show na bigla na lang itinigil nang walang pamamaalam: ang Music Uplate Live. Ang bale naging farewell telecast nito ay yung concert ni Yeng Constantino sa Promenade. Ako lang kaya ang nakaka-miss ng show kaya ako lang ang umaangal?

***
Obserbasyon ng isang katoto namin sa panulat na medyo beterano na rin: sa isang network, ang daming binabaeng reporters na walang-takot na nagku-cover ng kung anu-anong assignments, pati na sa pulisya. Du’n naman sa kabila, ang daming aktor na bading na walang takot magpaganda ng katawan at mag-make up nang mas makapal pa kesa sa leading ladies nila. Hulaan n’yo kung anong networks ang pinapatungkulan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply