Raket ng isang visa assistance company (2)

IPAGPATULOY natin ang pagtalakay ng problemang kinahaharap ng isa nating kasama sa hanapbuhay na inilalakad bilang tourist ngunit ninanais na gawing isang obrero sa ibang bansa.

Alam naman natin na pag tourist ang visa ay bawal magtrabaho dahil sa sandaling mahuli sila sa abroad ay siguradong asunto at kalaboso ang babagsakan nila.

Dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas ay nangarap makarating ng America ang ating kapatid sa hanapbuhay at misis nito kaya madali silang nakumbinsi sa mga pangako ng nasabing kompanya.

Hindi sila nagdalawang isip na magbigay ng P40,000.

Subalit dahil biglang nagkasakit ang bunso nila at na-confined pa sa ICU ng Philippine Heart Center ay ipinasya nilang huwag na lang umalis ng bansa.

Kaya ipinasya nila na bawiin na lang ang pera na ibinigay na nila sa Kanaka pero laking panlulumo nila nang hindi pumayag ang kompanya na basta ibalik ito.

Ang masakit sa halip na P40,000.00 ang ibalik ay P20,000.00 na lang daw ang makukuha nila at installment basis pa at hindi pa ito cash. Pera na nga nang biktima ang nawala, pinahihirapan pa silang bawiin ito.

Siyanga pala, bakit  P20,000 lang ang ibibigay ng Kanaka eh, wala pa namang transaksyon na nangyari at higit sa lahat ay wala pang serbisyong ibinigay sa biktima.

Buo ang ibigay nila dahil sa hindi naman natuloy ang trabaho na dapat ay ginawa nila. Tsk!tsk! Bukod sa mga lokal na awtoridad dapat na din sigurong silipin ng mga taga diyan sa US Embassy ang raket na ito ng Kanaka.

Dapat ay maputol na ang kanilang kalokohan para hindi na madagdagan ang bilang ng mga kababayan nating TNT (tago ng tago) sa US o Canada.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply