Reaksyon ni Las Piñas cop sa lantarang bentahan ng shabu

NGAYON ay bigyan natin ng daan ang reaksyon ng kaibigan nating si Las Piñas chief of Police Supt. Romulo Sapitula kaugnay sa sinulat nating ‘Lantarang Bentahan ng Bato (Shabu) sa Las Piñas.

Basahin natin ang nilalaman ng kanyang reaksyon sa naisulat natin.

Gud am, Pareng Johnny. Salamat sa inilathala mo na impormasyon. Hayaan mo, ipatatrabaho ko ito agad sa aking mga tauhan.

Para sa kaalaman  mo,  ang Las Piñas ang may pinakamaraming huli na pushers at users sa buong Southern Police District (SPD). Iyan po ay on the record o nasa record ng DAID ng SPD Headquarters. Sa aming talaan ay may 52 pushers at 68 users at may naisampa na 136 na kaso sa piskalya at korte from January to date.

Hindi naman siguro ‘tsapipay’ ang lakad ng kapulisan  ng Las Piñas kung ganito ang record namin. I will update you on development  of the operation to be conducted by 8 SAID personnel of Las Piñas Police.

Mabuhay ka, Pareng Johnny. God bless.

Baka puwede mo namang ilathala ang aking cell number para makapagtext ang taumbayan  tungkol sa mga pusher sa lugar nila. Sa katunayan every Thursday ay may ugnayan ako sa mga Barangay at ibinibigay ko rin ang number ko para mai-text ang mga pusher.

Salamat muli!

Para sa mga taga-Las Piñas, heto po ang cp# ni Supt. Romulo Sapitula – 0917898333.

TINYENTE VK NG STO. TOMAS, BATANGAS

Hanep itong si Lt. Valencia ng Sto. Tomas, Batangas. Kung sino pa ang pulis na dapat na manguna para hulihin ang mga iligal.

Ang mamang pulis pang ito ang nangungunang nagpapakalat ng sandamukal na mga video-karera sa nasabing bayan.

Ano ba talaga ang ginagawa ni Batangas PD Supt. Rosauro Acio sa kanyang nasasakupan?

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply