Ramon Jimenez bagong tourism chief

KUMPIRMADONG si Ramon “Mon” Jimenez na ang ipapalit sa nagbitiw na si Alberto Lim bilang kalihim ng Department of Toursim.

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nagkumpirma ngayon (Huwebes, Setyembre).

Sa panayam ng media delegation kay Pangulong Aquino sa Beijing, sinabi nito na tinanggap na ni Jimenez ang posisyong iniwan ni Lim para mabigyan ng sapat na oras ang pamilya.

Tiwala si Pangulong Aquino na mapapantayan ni Jimenez kung hindi man mahigitan ang performance ni Lim.

Kakausapin ng Pangulo si Jimenez sa susunod na linggo pagkabalik niya mula sa state visit sa China upang ilatag ang mga prayoridad sa tourism industry.

Sa isang pahayag naman, sinabi ni Jimenez na ikanatutuwa niya na pinagkakatiwalaan siya ng Pangulo.

Nangako rin si Jimenez na palalakasin ang tourism industry sa bansa.

Epektibo mula kahapon ang resignation ni Lim.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply