Rating ni PNoy gumaganda sa dumaraming reklamo

HINDI mapalagay ang ating uzi sa magka-69 na pulitika ng Palasyo at mamamayan.

Yun bang === baligtaran na larawan ng pulitika.

Bakit ba na ngayong dumarami ang reklamo laban sa pamahalaan ni Pangulong Noynoy ay sinasabi naman ng isang survey group na gumaganda naman ang imahe ni PNoy?

Mula sa good, naging very good…daw.

Bahala na kayo, mga Bro, na umalam sa kung sino ang survey group na binabanggit natin.

Basta sikat yan.

Teka nga pala, sino ba ang may-ari ng survey group na yan?

Hehehe! KKK ba?

BLACK ARM BAND SA KORTE

Maraming mga huwes ang nagsusuot ng black arm band.

Para silang namatayan kaya nais nilang ipakita ang kanilang kalagayan sa pagpupulupot ng itim na tela o anomang itim sa kanilang mga manggas ng damit o barong.

PROTESTA VS BUDGET CUT

Yun pala, nagpoprotesta ang mga huwes hanggang sa Korte Suprema dahil sa pagtapyas umano ng Palasyo ng kanilang badyet.

Ipinagbabawal ng Konstitusyon ang budget cut, sabi nila.

Kaya unconstitutional umano ang pagtapyas ng Palasyo ng kanilang pondo mula sa nasa P27 bilyon sa P13 bilyon lamang para sa 2012.

PALDO ANG HUKUMAN

Katwiran ng mga may gustong matapyasan ang pondo ng Hukuman, paldo ang mga huwes.

Pinababayaran na umano  ng Hukuman ang bawat kilos nila.

Kung magpapa-postpone ka ng hearing, magbabayad ka ng mahal.

Kung magdedemanda ka, magbabayad ka.

Dating libre ang paghahain ng demandang kriminal ngunit ngayon ay may bayad na, ayon sa mga pro-budget cut.

Kung gusto umano nina Chief Justice Renato Corona na may sapat silang panggastos, gamitin nila ang mga kita nila sa mga pinababayaran nila.

ISKWATER ANG MGA HUKUMAN

Katwiran naman ng mga taga-korte, maliit lang ang naiipon nilang bayad mula sa mga naghahanap ng katarungan at kakatiting ito sa hangad nilang magkaroon ng maraming korte at huwes.

Hindi kaya ang naiipon nila mula sa mga bayad ng mga nagdedemanda para umahon sila sa pagiging iskuwater sa mga city hall at munisipyo at makalatan ng sapat ng huwes ang lahat ng mga bayan para mapabilis ang takbo ng katarungan.

Mabagal umano ang katarungan dahil sa labis na kakulangan ng mga huwes.

UMAANGAL VS KURYENTE

Noon, ang mga istambay, iskuwater at kontraktuwal lamang ang umaangal sa sobrang mahal na kuryente.

Ngayon pati mga higanteng negosyante umaangal na rin dito.

Wala palang kuwenta ang batas na Electric Power Industry Reform Act na ginawa para umano maging mura ang kuryente sa paglipas ng panahon.

NEGOSYO LUGI SA KURYENTE

Sa halip na gamit ang kuryente para umunlad ang negosyo, anak ng tokwa, nagiging sanhi na ito ng pagkalugi.

Yang sinasabing ang Pinas ang may pinakamahal na kuryente sa Asya ay nangangahulugan pala ng pagkalugi ng mga negosyo.

WALANG MAGAGAWA

Ang masama, mga Bro, wala talagang maaasahan mula sa mga KKK ni PNoy sa DOE.

Akalain ba nating matagal na umanong balita ang sobrang taas na kuryente sa Pinas. Pero bakit ngayon lang daw nagngangangakngak ang mga negosyante?

Kasabay nito ang pagsasabi ng mga opisyal ng DOE na wala silang magagawa dahil sumusunod lang umano sila sa batas ng EPIRA. Ganun ba iyon?

ESTUDYANTE UMAANGAL DIN

Hindi lang ang mga huwes at negosyante ang umaangal, mga Bro.

Milyon-milyong estudyante ang umaangal din sa umano’y budget cut sa kanila.

Dahil sa pagtitipid, hindi paggastos at kagustuhan na may nakikitang malalaking pera sa palad ang mga KKK, hayan at na-out na ang mga unibersidad sa Pilipinas sa listahan ng nasa 300 top universities sa mundo.

PLANKING SA KALSADA

Kung hindi lang bumagyo sa mga araw na ito, baka maya’t maya ay may nagpa-planking sa mga kalsada na mga estudyante.

Ang paghiga o pagdapa sa lansangan ay palatandaan umano ng pagbagsak o pagdapa ng buhay estudyante sa kalokohan sa badyet para sa kanila.

PORK BARREL WALANG BAWAS

Pinagbabawasan ang lahat pero bakit walang bawas kahit singko ang mga pork barrel ng mga kongresman at bakit daw lumaki ang pork barrel ng Palasyo? Yang paglaki ng pork barrel ng Palasyo ay ang pagkorner umano nito sa mga ibinabawas sa badyet ng Hukuman at iba pang ahensiya ng pamahalaan, pati ang pondo para sana sa pagpapaunlad ng mga ahensiya.

PABAON NG MGA TSUPER

Ang mga tsuper ang unang nagreklamo sa kainutilan ng pamahalaan para sa public service. Ipinabaon nila kay PNoy ang tigil-pasada sa pagpunta nito sa USA.

Sinalubong naman si PNoy ng angal ng mga huwes. At habang nagpapahinga si PNoy sa kabibiyahe, nag-planking naman ang mga estudyante.

Ngayon ay gumaganda ang survey rating ni PNoy?

Milagro at misteryoso yan, mga Bro.

oOO

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply