Re-bidding sa North Rail Project oks sa Tsina

TINANGGAP na ng Tsina ang nais ng pamahalaan ng Pilipinas na muling idaan sa bidding ang napabayaang North Rail Project.

Sinabi ni Transportation Secretary Mar Roxas na mas pinagtibay ngayon (Biyernes, Setyembre 2) ang mga nilalaman ng kontrata at hindi lamang ito pumapabor sa interes ng Tsina na kontraktor ng naturang proyekto.

Dahil dito, binigyang diin ni Roxas na tuloy na tuloy na ang naturang proyekto na una nang ipinatigil noon ng Senado dahil sa sinasabing maanomalyang kontratang pinasok ng nakaraang administrasyon.

Anang kalihim, babayaran ng gobyerno ang naging kontartista noon ng North Rail Project para sa mga nasimulan nito.

Ipinaliwanag din ni Roxas na nasa isang kilometro mula sa siyamnapung kilometro ng naturang proyekto ang naumpisahan na ng naturang kontratista mula sa Tsina.

Matapos aniya nito ay uumpisahan na ang re-bidding ng North Rail Project sa mga mas kwalipikadong kontratista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply