‘Re-investigation’ sa Dacer-Corbito double murder case tinanggihan

ANG “re-investigation” ay maaring makapagdulot ng delay sa resolusyon at maging unfair  sa ibang akusado na matagal nang nakakulong habang nakapending ang kaso.

Ito ang desisyong inilabas ni Manila RTC Judge Thelma Bunyi-Medina ng Branch 18 matapos ibasura ang petisyon ni dating S/Supt.Michael Ray Aquino na muling imbestigahan ang Dacer-Corbito double murder case.

Si Aquino ay pinahintulutan naman ng korte na manatili sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) para na rin sa kanyang seguridad.

Samantala, pinagbigyan din si Mancao na manatili sa pangangalaga ng NBI kahit kinuwestyon na sa korte ang kredibilidad nito bilang testigo dahil wala umanong nakikitang mali ang korte sa kahilingan nito na manatili sa kostudya ng ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply