Reclusion temporal sa kasong white slavery

NAIS ni Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal Arroyo na madaliin ang pagdaragdag ng ngipin sa kasalukuyang parusa kontra sa pang-aabuso sa mga kakaibahan at kabataan sa pamamagitan ng white slavery o prostitusyon.

“We have existing laws penalizing this kind of exploitation, but still prostitution has become rampant rather than curtailed,” ani Arroyo kasabay ng pagsusulong na mapagtibay na ang inihain nitong House Bill 1475.

Binigyang-diin ni Arroyo na masyadong pinabababa ng white slavery ang dignidad ng kababaihan at bata na nagiging sex object.

Sa ilalim ng panukala ng kongresista, papatawan ng parusang reclusion temporal sa halip na prision mayor lamang ang sino mang nasasangkot o nagkukunsinti sa prostitusyon.

Bukod dito, hindi dapat bababa sa P100,000 ang magiging multa sa mga suspek. Ang kabayaran ay magiging cash fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gagamitin sa rehabilitasyon ng biktima.

Kung isang korporasyon o opisyal ng gobyerno ang sasabit sa naturang krimen, mahaharap din ito sa katulad na halaga ng pagmumulta at kulong ngunit sa pinakamatagal na panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply