Red at Black, para sa Golden Year ng Yamaha

UNITED KINGDOM— Ipinagdiriwang ng Yamaha Motors ang kanilang ika-50 anibersaryo sa pangangarera at bilang treat sa mga fans, nagbigay ng anunsyo ang kompanya na magkakaroon sila ng espesyal na model line-up para sa 2012. Ang anniversary series ay pangungunahan ng YZF-R1— ang 998cc supersport bike na sumikat dahil sa dami ng mga napanalunan nitong paligsahan, kabilang na ang mga titulo sa British Super Bike at World Super Bike Championships.

Ipinagbigay-alam rin ng kompanya na maglalabas sila ng bagong bersyon ng WR450F, ang enduro bike na kilala sa mga riders dahil sa high-quality performance nito sa iba’t ibang klase ng terrain at dirt tracks. Dagdag pa ng Yamaha, kakaibang WR450F ang makikita ng mga fans sa susunod na taon. Halimbawa na lang sa mga pagbabagong ginawa sa WR450F ay ang pagiging fuel injected na ng makina nito. Katunayan, ayon pa nga sa kompanya, mas magiging exciting ang race season ng Yamaha sa 2012.

Ang color scheme ng 2012 models ay hango mula sa speedblock design ng mga naunang Yamaha race bikes noong dekada ’60, nang baguhan pa lamang ang Yamaha sa mundo ng pangangarera. Ang red at black color palette na kasalukuyang ginagamit ng mga Yamaha riders na sina Ben Spies at Jorge Lorenzo sa 2011 MotoGP ay nagsilbi ring inspirasyon upang mabuo ang konsepto ng 2012 line-up.

Kabilang sa mga modelo ng Anniversary Bike Series na ilalabas sa susunod na taon ay ang YZF-R1, FZ8, YZF-R6, YZF-R125 at Aerox.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply