Red Lions binomba ng JRU Bombers

MAITUTURING na isang upset ang itinalang panalo ng Jose Rizal Heavy Bombers laban sa San Beda Red Lions sa 87th NCAA Men’s Basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Binomba ng Heavy Bombers ang Mendiola-based dribblers 76-65 tungo sa kanilang panalo kontra siyam na talo. Nagdulot ang panalo ng malaking kasiyahan kay Bombers coach Vergel Meneses sa pagpapatumba sa second leading Red Lions ni coach Frankie Lim.

Dumaan din sa butas ng karayom ang panalo ng conference topnotcher na San Sebastian College-Recoletos Stags nang maghatid ng mabigat na laban ang cellar-dweller na University of Perpetual Help Altas sa score na 77-76 sa unang set ng laro.

Si Stag mainman Calvin Abueva ay nagtala ng kanyang ika-11 double-double sa 22 puntos at 12 rebounds subalit si Ronald Pascual na pumuntos ng game-high 27 points ang tinanghal na best player of the game.

Sasagupa ang Stags laban sa Cardinals bukas, Biyernes habang maghaharap ang Arellano U Chiefs at Lyceum Pirates sa unang set ng double-header sa The Arena simula alas-2:00 makapananghalian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply