Red Lions pipilit ng panalo sa Generals

PAKAY ng defending champion San Beda College Red Lions ang ilayo ang kanilang team standing sa humahabol na Letran Knights habang ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates ay dadagdagan ang kanilang win column upang mapanatili ang pagkapit sa fourth spot sa 87th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan bukas, (Setyembre 2).

Pipiliting sakmalin ng Red Lions ang Emilio Aguinaldo College Generals dakong alas-dos ng hapon upang mapataas ang kanilang karta na 9-1 win-loss slate kung saan ay nakadikit sa tersero puwesto ang Letran na tangan ang 9-2 record.

Hawak naman ng Pirates ang 5-5 karta at nakatakda silang makipag-agawan ng panalo sa Mapua Cardinals na nasa pang-limang puwesto na may 5-6 baraha para sa main game.

Nakahakbang papalapit sa second spot ang Knights matapos nilang kuyugin ang Jose Rizal U Heavy Bombers, 75-56 kahapon (Miyerkules, Agosto 31).

Nagkabit ng limang sunod na panalo ang Letran upang bigyan ng kaba ang SBC dahil angat na lamang sila ng kalahating laro sa una.

Nakipagsabayan ang JRU sa Letran hanggang matapos ang third period kung saan abante ang huli, 46-43.

Sa fourth canto umariba ang Letran ng 9-0 run upang mapagod ang JRU at matambakan hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Nag-iisa pa rin sa tuktok ng liderato ang San Sebastian College Stags na may perpektong 11 panalo matapos nilang katayin ang Arellano U Chiefs, 97-70.

Sumandal ang Stags sa ika-31 double-double performance ni Calvin Abueva habang tumulong naman si Ian Sangalang ng 24 points at siyam na rebounds habang may 17 points, seven boards at eight assists si Ronald Pascual.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply