Red tide alert nananatili sa 5 coastal area

NANANATILING nasa red tide alert ang limang coastal area ng Pillipinas matapos ikasa ang isang laboratory test at mapatunayan na ang tubig sa karagatan ay positibo sa shellfish poison, ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayon (Miyerkules, Setyembre 7).

Sa ipinalabas na shellfish bulletin ng BFAR, ang mga sumusunod na coastal areas tulad ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Masinloc Bay sa Zambales at Matarinao Bay sa Eastern Samar ay nananatiling positibo sa paralytic shellfish poisin na lagpas sa regulatory limit.

Dahil dito, pinayuhan agad ng BFAR ang publiko na ang mga shellfish na tulad ng mussels, clam, scallops at oysters mula sa nabanggit na mga coastal areas ay hindi ligtas kainin.

Ipinagbawal na rin ng BFAR ang pagtitida ng shellfish mula sa nabanggit na karagatan hanggang sa tuluyang alisin ang red tide alert.

Samantala, ang mga isda, pusit at alimasag at hipon na mahuhuli sa mga nabanggit na coastal areas ay ligtas kainin, pahayag ng BFAR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply