Rehabilitasyon sa mga nasirang paaralan mamadaliin

NAGPALABAS na nang kautusan ang Department of Education (DepEd) sa agaran at mabilisang pagkumpuni nang mga nasirang school buildings at iba pang pasilidad na nasira sa pananalasa nang bagyong si “Pedring.”

Inatasan rin ni Education Secretary Bro. Armin Luistro ang lahat ng school officials na makipagtulungan para sa mabilis na rehabilitasyon ng mga pasilidad para hindi mabalam ang  pag-aaral ng mga estudyante na ilang beses nang nakansela ang klase.

Nauna rito, iniulat ng DepEd na may 170 elementary at high schools at iba pang pasilidad na nagkakahalaga ng P115 milyon ang nasira nang malakas na bagyo.

Sa ulat na natanggap ng DepEd Disaster Risk Management Office-Rapid Damage Assessment Report (R.A.D.A.R), pinakamaraming nasira sa Region V (Bicol region) kung saan ay 62 elementary at pitong high schools kasunod ang Region III (Central Luzon) na may 31 elementary at anim na high schools, National Capital Region (NCR) na may 24 elementary at apat na high schools, Cordillera Administrative Region (CAR) na may 14, Region II (Cagayan Valley) na 11, Region I (Ilocos) na may anim at Region IV-A (Calabarzon) na may limang schools.

Pinakamalaking halaga naman ang nasira sa Region III sa halagang P52. 830 milyon kasunod ang Region V na P25. 475 milyon, CAR na P14. 4 milyon, Region 1 na P8.85 milyon, NCR na P8.108 milyon, Region IV-A na P3.35 milyong at Region II na P2.179 milyon.

Inaasahang lalaki pa ang halaga ng mga nasira pasilidad sa mga  hinihintay na final report  mula sa regional offices ng kagawaran. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply