Reklamo kay Brillantes isusulong ni Rafanan

NANINDIGAN si Commission on Elections (Comelec) director Ferdinand Rafanan na isusulong niya ang kanyang reklamo laban sa boss na si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kasunod ng paghahain nito ng complaint-affidavit sa Commission on Appointments (CA).

Una nang inakusahan ni Rafanan ng si Brillantes na nagmaniobra para mapababa ang sentensiya ng mga taong sangkot sa kontrobersiyal na ballot secrecy folder scam.

Bilang pagdepensa kay Brillantes, hinamon na rin ni Comelec spokesman James Jimenez si Rafanan na iharap sa tamang forum ang mga ebidensiya kaugnay sa naging akusasyon laban kay Brillantes.

Tinawag pang “wild accusations” ni Jimenez ang mga paratang ni Rafanan laban sa pinuno ng Comelec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply