Reklamo vs Pangandaman iniatras na ng sekyu

HINDI na magrereklamo ang security guard na umano’y sinapak ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman noong nakaraang linggo dahil sa takot sa banta kanyang buhay

Inaasahan sana ng Commission on Human Rights ngayon (Miyerkules, Setyembre 7) na sisipot sa kanilang tanggapan ang security guard na si Ricardo Bonayog upang ireklamo ang nasabing mambabatas ngunit pinili nitong huwag na lamang sumipot.

“Natatakot po ako kasi ang nakabangga ka po ay malaking tao po. Mayroon hong katungkulan po sa gobyerno. Simpleng tao lang po ako,” tanging sinabi na lamang ni Bonayog matapos hindi sumipot sa tanggapan ng CHR sa Commonwealth Avenue.

Gayunman, sinabi ni Bonayog na nais na lamang niya ay public apology sa nagawa ni Rep. Pangandaman.

“Mas maganda po sana kung mag-sorry po si Congressman Pangandaman po. Gusto ko na lang pong manahimik… Pinapatawad ko na po siya,” sabi ni Bonayog.

Nauna ng itinanggi ni Pangandaman na ginulpi niya ang guwardiya sa UP-Ayala Land Technohub sa Quezon City noong nakaraang Miyerkules.

Aniya hindi niya sinuntok si Bonayog kundi hinampas lang niya daw ito ng isang nakarolyong papel nang bubunot umano ng baril ang nasabing guwaydiya.

Ngunit ipinagdiinan naman ni Bonayog na dalawang beses siyang sinuntok ng kongresista malapit sa kanyang punong tainga.

Minsan ng nasangkot sa panggugulpi ang nasabing kongresista na naganap sa isang golf course noong 2009,.

Nauna ng nagpahayag ang House of Representatives at ang Quezon City Police District na hindi nila maaksiyunan ang reklamo hangga’t hindi naghahain sa kanila ng pormal na reklamo sa kanila si Bonayog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply