Rematch!

ITO ngayon ang hinihingi ni dating World Boxing Council (WBC) welterweight champion Victor Ortiz, matapos ang nasaklap at kontrobersiyal na pagkatalo laban kay Floyd Mayweather Jr.

Bagama’t tanggap na ng former champion ang kabiguan, iginiit nitong may malaking pagkakamali ang referee na si Joe Cortez.

Ayon pa kay Ortiz, wala umanong malinaw na pasabi sa kanila ang referee na tuloy na ang laban bunsod ng ginawa nitong intentional headbutt.

Aniya, humingi na siya paumanhin kay Mayweather sa naging asal, pero laking gulat umano niya na wala si referee Cortez sa gitna.

Sinabi pa ng 24-anyos na Mexican immigrant, alam niyang magaling na boksingero si Floyd Jr., pero hindi pa rin siya kumbinsido pagkatapos ng ginawa sa kaniya ng dating pound for pound king.

Una rito, nanatili pa ring “unbeaten” ang former pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr. kasunod ng controversial knockout win nito kay WBC welterweight champion Victor Ortiz.

Nagsimula ang mainit na laban ng dalawa sa 4th round, kasunod ng headbutt attack ni Ortiz kay Mayweather Jr.

Matapos awatin ang dalawa, kaagad inupakan ni Mayweather ng left hook si Ortiz na sinundan pa ng solid right hand, dahilan para bumagsak ang kampeon at hindi na nakabangon.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ni Mayweather ang malinis na record na 42 wins kung saan 26 dito ay knockouts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply