Rene Villa naupo na bilang bagong LWUA chair

KINUMPIRAMA ngayon ni Agrarian Reform Undersecretary Rene Villa na siya na ang bagong chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ayon kay Villa, Agosto 24 2011 nang matanggap niya ang appointment ngunit noong Lunes lamang siya pormal na umupo sa puwesto.

Hindi man siya pormal na nanumpa sa harap ni Pangulong Benigno Aquino III ay ligal pa rin ang kanyang pag-upo dahil siya ay nanumpa sa harap ng Huwes.

Si Villa ay dating Presidential Assistant for Western Visayas ng dalawang dating Pangulo ng na sina Jospeh Estrada at Gloria Arroyo.

Siya rin ang dating Agrarian Reform Secretary noong nasa pwesto pa si Arroyo, pero nagbitiw sa puwesto kasama ang siyam na Cabinet secretaries. Sila ang tinaguriang “Hyatt 10.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply