Renewable energy sagot sa tumataas na presyo ng langis

DAPAT bigyan ng kaukulang pansin ang renewable energy na siyang tugon sa tumataas na presyo ng langis.

Ito ang panawagan ni  Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP)-NASSA executive secretary Rev. Fr. Edu Gariguez na darating ang panahon na magkakaroon ng kakapusan ng langis sa mundo at mas mabuti na ngayon pa lamang ay handa na ang pamahalaan sa problemang ito.

Sinabi pa ni Gariguez na ang gobyerno ay hindi dapat umasa sa suplay ng langis ng world market dahil marami namang paraan upang palitan ng ibang uri ng enerhiya na tutugon sa problema ng transport sector ng bansa.

“Sa totoo lang dapat mas malawak ang pagtingin ng pamahalaan sa problemang ito. Masyado kasi tayong nakadepende sa fossil fuel o sa langis. Dapat magsilbing hamon sa ating pamahalaan ang pagkakaroon ng renewable energy at pagdevelop nito upang sa ganun ay hindi tayo nakaasa sa langis. Paulit-ulit na lang kasi ang kilos protesta at pag-aaway ng gobyerno at transport group dahil sa pagtaas lagi sa presyo ng langis. Kaya nga tayo nagsusulong ng government policy para sa renewable energy source. Kasi may prediksyon talaga na mauubos ang langis sa ating bansa,” dagdag na pahayag ni Gariguez sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Hindi naman ikinagulat ni Gariguez ang lumabas na survey ng National Statistics Office (NSO) na tumaas sa 7.1 percent ang unemployment o walang trabaho sa bansa.

Sinabi ni Gariguez na inaasahan na nila ito dahil bigo ang pamahalaan na pagkalooban ng trabaho ang milyun-milyong Filipino kahit pa ang mga nagsipagtapos sa kolehiyo.

Gayunman, sinabi nito na nauunawaan niya ang pamahalaan sa pagsisikap nito na tugunan ang unemployment lalo pa’t hirap si Aquino ngayon sa pagbabayad sa mga utang ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply