Repatriation order mananatili sa Libya, Syria

MAKARAANG makarating sa bansa nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 31, ang may 36 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Libya, mananatili pa rin ang repatriation order sa mga kababayan na naiipit sa nagkakagulong bansa.

Kaugnay nito, hindi naman umano magsasagawa ang Rapid Response Teams (RRTs) ng pamahalaan sa ginagawang last-minute calls para sa mga OFWs.

Sa pahayag ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, tiniyak ng opisyal na mananatili pa rin sa naturang mga crisis-affected countries ang mga naatasang government officials para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga kababayan.

Ngayong araw lilikas ng Tripoli, Libya ang third batch ng mga Pinoy medical workers.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, inaasahan ngayong weekend ay darating na rin sa bansa ang second batch ng mga Pinoy repatriates mula sa Libya.

Kahapon, dumating sa bansa ang 36 Pinoy workers mula sa Libya lulan ng Emirates Airways mula sa Cairo, Egypt. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply