Rescue operation sa Bulacan nagpapatuloy

NAGPAPATULOY ngayon ang isinasagawang  ang rescue operation ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Bulacan matapos umabot ng hangggang bubong ang tubig baha sa ilang bayan ng lalawigan simula pa kagabi (Setyembre 29).

Ayon kay Raul Agustin, Special Operations one officer ng PDRRMC-Bulacan humingi na sila ng tulong sa rescue teams ng SBMA gayundin ng Philippine Airforce para tumutok sa operasyon lalo na sa mga bayan ng Calumpit at Hagonoy.

Tinawag ni Agustin ang pagbaha na back flooding matapos magpakawala ng tubig ang tatlong dam at nakaapekto rin sa bayan ng Pulilan at bahagi ng bayan ng Paombong.

Ipinabatid ni Agustin na kagabi pa ay nagpatupad na sila ng forced evacuation base na rin sa direktiba ni Bulacan Governor Willy Alvarado subalit tumatanggi sa paglikas ang ilang residente na ikinakatuwiran ang matatakbuhang second floor ng kanilang mga bahay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply