Residential area sa Quiapo nasunog, bodega ng SM muntik madamay

NASUNOG ang ilang kabahayan sa Quiapo Manila at muntik nang madamay ang bodega ng SM Department Store ngayong tanghali (Miyerkules, Setyembre 7).

Dakong alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang sunog sa likod ng SM sa may Echague Carlos Palanca sa Quiapo.

Faulty electrical wiring ang itinuturong dahilan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Ilang kabahayan na pawang gawa sa light materials ang naabo.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay sunog ay naagapan at hindi na inabot pa ng sunog ang bodega ng nasabing department store.

Idineklarang firea out ang sunog ganap na ala-1:15 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply