Residential building nasunog

NASUNOG ang isang residential building kung saan dalawang pamilya ang apektado sa gitna ng pagdiriwang ng kapistahan ni Nuestra Sra. de Peñafrancia sa Naga City, madaling-araw ng Setyembre 18.

Nabatid sa ulat, dakong alas-2:00 kaninang madaling araw, Setyembre 18, nang mangyari ang sunog sa Valentin St., Barangay Sabang.

Bigla na lamang ginulantang ang mga residente sa lugar nang malakas na apoy na nagmula sa kuwartong inookupa ng mag-asawang Pio at Gloria Bardecilla.

Kaagad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga City maging ang mga residenteng malapit sa lugar ngunit sa lakas ng apoy, mabilis na kumalat ito at nadamay ang kadikit na kuwartong inookupa ng pamilya Junio.

Hinihinalang ang iniwang nakasaksak na electric fan ng pamilya Bardecillas ang pinagmulan ng apoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply