Resulta sa imbestigasyon ng ‘Baguio dumpsite tragedy’ ilalabas na

NAKATAKDANG ilabas ngayong linggo ng Depatment of the Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng imbestigayson sa pagguho ng Irisan Dumpsite sa Baguio City noong nakalipas na linggo.

Sa nasabing resulta ay matutukoy na kung sinong local official ng naturang lungsod ang dapat na managot sa nasabing pagguho ng dumpsite bunsod ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Mina.

Malalaman kung sino ang nagpahintulot na magpatuloy ang operasyon ng open dumpsite.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robrero, kasama sa kanilang tinitingnan ay ang pananagutan ng mga local official doon dahil sa ilalim ng batas, ang mga local government unit (LGU) ang responsable sa solid waste management ng bawat lokal na pamahalaan

Matatandaang ilang residente ang namatay at ilang tahanan ang nawasak ng nasabing pagguho ng tone-toneladang basura na bumigay dahil sa walang tigil na pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply