Sariling bungo pinasabog ng retiradong OFW

PATAY ang isang dating Overseas Filipino Worker matapos magbaril sa ulo dahil sa depression sa Malabon City Miyerkules ng tanghali, Setyembre 28.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa ulo si Mamerto Ventura, 63, ng Sto. Niño, Concepcion, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 12:45 ng tanghali, nakarinig ng putok ng baril ang mga kaanak ng biktima sa kanilang laundry room sa loob ng kanilang bahay.

Nang tignan ay nakitang nakahandusay ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa PLM habang nasa tabi ang isang Magnum .357.

Nabatid na palaging mainit ang ulo ng biktima at naaawa sa sarili matapos iretiro ng trabaho sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply