Revo bumangga sa tren; 1 patay, 3 sugatan

PATAY ang isang driver habang sugatan ang tatlong kasama niyang babae makaraang bumangga ang sinasakyan nilang Revo sa isang rumaragasang tren Martes ng hapon (Setyembre 27) sa kasagsagan ng bagyong Pedring sa Tayuman, STa. Cruz, Maynila.

Nabatid sa Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) na ang biktima ay nakilalang si Pedro Montuyo, Jr., 30.

Isinugod naman sa Chinese General hospital ang tatlong kasama nitong babae na hindi nakuha ang mga pangalan.

Dakong alas-3:45 ng hapon sa ng maganp ang insidente sa nasabing lugar.

Nalaman na minamaneho umano ng biktima ang kanyang kulay puting Toyota Revo na may plakang XLW-711 nang hindi nito mapansin ang dumarating na tren galing sa  Tutuban at papuntang Alabang sa may Tayuman corner Dagupan sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa lakas ng pagkakabangga namatay noon din ang biktima, habang mabilis namang isinakay ng taxi ang tatlong babaeng pasahero nito at isinugod sa hospital.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MTEU sa naganap na insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply