Rhian Ramos nawala ang charisma nang ma-link kay DJ Mo

BIGLA ang pagkawala ng charisma sa boys ni Rhian Ramos magmula nang ma-link kay DJ Mo Twister.

Sa rami nga naman nang mali-link sa mestisang young actress ay sa controversial TV host na ito bumagsak.

Anyway, madali namang nakabangon si Rhian sa mga pagsubok na pinagdaan. Nakatulong nang malaki ang pagiging busy niya sa trabaho sa GMA 7.

Aside sa pagiging co-host siya ni Manny Pacquiao sa “Manny Many Prizes” ay pinaghahandaan na rin niya ang pagsasama nila ni Dingdong Dantes sa isang soap ng GMA7.

Wala rin sa hinagap ni Rhian na pagseselosan siya ni Marian Rivera tulad ng nangyari kay Bela Padilla.

Sabi ni Rhian, walang dapat ipag-alala si Marian sa pagtatambal nila ni Dingdong dahil trabaho lang ang gagawin at walang personalan.

Samantalang pinagdiinan din naman ni Marian na walang problema at mangyayaring selosan sa pagsasama nina Rhian at Dingdong. (Etchoserang palaka ang matandang babaeng ‘yan! – Ed)

***

KAHIT sabihin ng Star Magic na simple misunderstanding lang ang nangyari kina Coco Martin at Matteo Guidicelli sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan, marami pa rin ang nagsasabi na hindi pa tapos ang gulo ng dalawa.

Tsika kasi na parehong umalis ng venue ang dalawa na hindi nagkamayan matapos ang gulo. Pero maglalaan raw ng araw ang Star Magic para pagharapin at magkamayan sina Coco at Matteo.

Samantala, dahil sa nangyari ay nabulgar tuloy na matagal nang may relasyon sina Maja at Matteo na inamin ng una at dahilan nang gulo sa pagitan ng dalawa actor.

Kahit inamin ni Maja na boyfriend niya si Matteo ay ayaw nitong pag-usapan pa ang tunay na ugat kung bakit nag-away ang dalawa.

Binilinan na raw siya ng Star Magic na huwag nang magsalita tungkol sa isyu para tumahimik na ang lahat.

Nag-sorry na rin daw si Matteo kay Maja pero ayaw kausapin ng actress ang boyfriend dahil sa tindi ng sama ng loob.

Ang sabi, malamang na mauwi sa hiwalayan ang pagmamahalan nina Maja at Matteo lalo na nang sinabi ni Maja sa talk show na hindi na niya alam kung saan patungo ang kanilang relasyon.

Sana lang, makatulong sa pelikula ni Maja, ang “Thelma,” ang gulong kinasangkutan ng boyfriend.

***

NOW it can be told na totoo ang naglabasang isyu about kay Denise Laurel na nabuntis dahil sa mismong bibig na rin ng actress ito nanggaling.

Inamin niya na she gave birth to a healthy boy at ito ang dahilan kung bakit siya nawalang parang bula sa showbiz.

Sa The Buzz, ipinaliwanag ni Denise kung bakit hindi muna niya inamin ang pregnancy dahil daw sa gusto niyang maging okay ang lahat kapag umamin na siya. Yung relaxed at komportable siya at wala nang iba pang iniisip.

Last April siya nanganak at four month na ngayon ang bata. Asked kung sino ang kamukha ng bata, aniya,” He has the Laurel’s eyes, yung kulay mom’s side ko, medyo Spanish kasi yung mata niya, gray. Yung build ng katawan, yung lips, hati kami (ng father ng baby).”

Half-Italian, Half-American ang ama ng anak ni Denise na ayaw niyang masyadong idetalye ang personality nito dahil hindi naman daw ito artista.

Ayaw din niyang sabihin ang pangalan ng baby boy dahil magagalit daw ang mommy niya.

Anyway, ang bilis naka-recover ni Denise sa kanyang figure dahil payat na kaagad ito na mistulang isang dalaga pa.

Ang dahilan niya ay nagda-diet na raw siya kahit noong buntis pa siya para di raw siya gaanong lumobo. Nilinaw din ni Denise na sila pa rin ng ama ng kanyang anak at nag-propose na raw ito noon pa bago siya nabuntis. Katunayan, nagpunta pa nga raw ito sa kanilang tahanan para hingin ang kanyang kamay sa magulang. Pero sabi ng pamilya niya, especially her father na maghintay muna at huwag magmadali.

Nang magbuntis daw siya ay muling inalok daw siya nitong magpakasal pero tumanggi siya dahil gusto niya munang makita how they would be as parents.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply