Rich Asuncion at Ervic Vijandre off-line na agad! Wala na sila!

SA TAGAL nang pagsasama sa taping ng “Sinner or Saint,” mukhang nagiging close personally sina Dennis Trillo at Bianca King. Hindi lang isa, kundi ilang beses nang nakikita silang magka-date.

May nakakita kina Dennis at Bianca sa last day of concert ni Solenn Heussaff sa Greenhills Teatrino na magka-date ang dalawa. Pero nang gabing iyon ay kasama nila si Rhian Ramos na nanood ng concert.

Tapos, isang staff ng programang GMA News TV Channel 11 naman ang nagtsika sa aming nang minsang mag-guest host daw si Bianca sa programa ni Solenn na tungkol sa fashion make over, andoon din si Dennis na matiyagang nagbabantay kay Bianca habang nagti-taping ang dalaga.

May incident din na nakita pa ng isa pa naming source na nakita rin sina Dennis at Bianca sa The Fort sa isang resto sa Serendra.

Feel naman namin ang sweetness nina Dennis at Bianca kapag may eksena ang dalawa sa Sinner or Saint na malapit na ring magtapos. Talagang ibang-iba ang titigan nila at feel na feel nila ang kanilang mga halikang eksena.

Successful naman ang Sinner or Saint bilang TV series. Aba, naging No. 1 soap ito sa lahat ng programa sa panghapon sa buong Pilipinas. Iba naman kasi ang takbo ng istorya at magagaling lahat ang gumaganap dito, lalo na sina Dennis at Bianca.

Considering na first bida role rito si Bianca. Natanggap ng tao ang kanyang performance. Ibig sabihin, pasado nang maging bida si Bianca. Salamat kay Dennis bilang inspiration ni Bianca, di ba?

000

KUNG nagkakamabutihan sina Dennis Trillo at Bianca King, mukha namang nagkakalabuan ngayon sina Rich Asuncion at Ervic Vijandre. Hindi na raw napagkikikita ang dalawa na lumalabas.

Di ba tulad noon na madalas silang makita sa mga lakaran na magka-holding hands pa raw.

Anyway, maaaring ang naging dahilan ng pagkawala ng closeness ng dalawa ay ang mag- kaibang uri ng trabaho nila. Si Rich, sunud-sunod ang soap sa GMA 7.

Madalas on location pa ito. Pagkatapos ng Sisid, pumasok siya sa Time of My Life.

Si Ervic naman ay may ginawang pelikula sa Regal na kasama si JC Tiuseco at ang mga lead cast ay sina Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion at Pokwang. Isang comedy family movie ito na parang revival ng Wanted Perfect Mother, di namin alam ang title.

000

NAKAKALOKA si Ynez Veneracion nang makahuntahan namin sa ipinatawag ni Direk Maryo J. delos Reyes na intimate interview para sa Masculados. Kasi, may big event ang Masculados ngayong September 29 sa The Library.

Bale anniversary presentation ng The Library ito at si Ynez ang front act ng  grupo na aawit at sasayaw kasama ng grupo. Nag-jibe si Ynez at Masculados sa pagkanta at pagsasayaw kaya may nakalinya silang series of concert sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at iba’t ibang probinsiya. Kabilang na rito ang big event sa Novaliches sa Sept. 24 sa may town plaza.

Anyway, naloka kami sa ikinuwento ni Ynez sa amin na maraming nagagalit sa kanya ngayon na mga fan ng “Munting Heredera.” Kasi, villain role siya rito na laging kinagagalitan at inaapi ang mga bata, lalo na si Jennifer na halos lapirutin ni Ynez ang mukha.

Pero, may pusong ina pala si Ynez. Labag sa kalooban niya ang ginagawa sa mga bata. Marami siyang pamangkin na mahal na mahal niya.

Bukod dito, sa role niya bilang mother, mamamatayan siya ng anak sa Munting Heredera. Papatay pa ang kanyang asawa sa soap.

Malapit na ngang mawala sa soap ang magpartner na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin dahil lilipat na sila sa kabilang soap, ang “Ikaw Lang Mamahalin.” Si Joyce ang lalabas na anak niya sa soap na mabait sa kanya at masunurin. Mapapatay si Joyce dahil witness siya sa pagpatay kay Kristoffer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply