Rich Asuncion guguluhin sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

GAME at positibong sinagot ng sexy young Kapuso star na si Rich Asuncion na willing siyang makasama sa project ang dating boypren na si Aljur Abrenica at ang rumored girlfriend nito ngayon na si Kylie Padilla.

May upcoming show sa GMA7 ang niluluto ngayon kung saan ay magkakasama ang tatlo. At alam na ito ni Rich. Sa katunayan pa nga ay masayang sinabi nito na excited na siyang simulan ang naturang proyekto. Say pa rin ni Rich, trabaho yun at wala naman silang samahan ng loob ng dating syota.

Sa katunayan pa nga raw ay nagbabatian na silang tatlo sa twinang magku-krus ang kanilang landas. Wa rin keber kay Rich kahit siya pa ang unang bumati kina Aljur at Kylie. As in naka-move-on na talaga ang dalaga at happy na sa rumored boypren naman na si Ervic Vijandre, na ayon kay Rich ay exclusive dating na silang dalawa.

Sa katanungang kung okey lang ba naman kay Rich na maging kontrabida sa project nila nina Aljur at Kylie, na siya namang magka-loveteam, ay walang kurap na sinabi nitong okey lang sa kanya at depende raw iyon sa ipapagawa ng director sa kanya. As if na willing na si Rich na matype-cast na isang kontrabida.

Ayon kay Rich, masaya raw siya sa pagiging kontrabida. Nagagawa raw kasi niya ang lahat na gusto niyang gawin at natsa-challenge siya nang husto lalo pa nga’t iba’t ibang level ng pagiging kontrabida ang kanyang ginagawa.

Pero tulad din daw ng lahat nang artista, pangarap din ni Rich na magkaroon ng project na siya naman ang bida para hindi naman daw makahon lang ang kanyang byuti sa pagiging character actress.

***

UNANG pagbabagong napansin sa Starstruck Ultimate Avenger na si Kris Bernal ay ang pagpapayat niya para sa danserye niya sa GMA7, ang “Time of My Life,” tapos pati ang kanyang pananamit ay labas na rin ang pusod at maiikling short, na ayon kay Kris ay kailangan sa eksena niya bilang isang dancer.

Ngayon naman ay may maselang eksena na rin si Kris sa kanyang danserye, isang rape scene kay Rex Cortez. Pawang bago ito kay Kris, tila iniiwan na niya ang kanyang pa-tweetums to a more daring and mature Kris Bernal sa showbiz world.

Takot ba ang siyang mapag-iwanan ng mga kapanabayan?

Sa isang panayam ay madiing sinabi niyang gumagawa siya ng mga role na mas matured dahilan sa gusto niyang makita siya ng mga tao at mga tagahanga na nagma-mature na siya pagdating sa kanyang showbiz career. Kung sakali man na nagpapakita na rin siya ng skin, hindi raw nangangahulugan na tuluyan na siyang magpapa-sexy. Hindi pa raw niya kaya na magpa-sexy sa ngayon. Sa mga matured roles, kung hinihingi naman daw talaga ng istorya at talagang kinakailangan para sa ikakaganda ng project, willing siyang gawin ang pinagagawa ng director tulad na lang ng first rape scene niya with Rex Cortez.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply