Rigodon sa Aquino admin tuloy-tuloy

NAGPATULOY ang rigodon ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ito ay makaraang tumanggap naman ng pangawalang posisyon si Presidential Adviser on Environmental Protection Neric Acosta bilang acting member of the Laguna Lake Development Authority (LLDA)  Board of Directors.

“Nag-resign na po si GM Rodrigo Cabrera ng Laguna Lake Development Authority and he will be replaced. The President has signed the appointment letter of Secretary Neric Acosta as acting member of the board of directors of the Laguna Lake Development Authority. For those interested, the letter of resignation of GM Cabrera was accepted by the Executive Secretary last August 17 and effected also on the same day,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Wala namang maibigay na dahilan ang opisyal kung bakit nagbitiw sa tungkulin si Cabrera lalo at wala namang binanggit sa kanya si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring pangalan na positibong lumutang na magiging kapalit ni PNP  PNP chief Director General Raul Bacalzo, na nakatakdang magretiro sa Setyembre 15.

Sa uupo namang bagong Bureau of Customs (BoC) Commissioner ay sinabi ni Usec. Valte na bahala na itong magsagawa ng paglilinis ng mga pasaway na broker and Customs collectors

May kapalit na si Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Nelson Laluces na nagbitiw sa puwesto upang bigyan ng pagkakataon si Transportation and Communications Secretary Manuel Roxas II na mamili ng kanyang mga tauhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply