Robredo binulabog ng pagsabog sa Cotabato

NABULABOG sa dalawang magkasunod na pagsabog si Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo sa kanyang pagbisita sa Cotabato City kanina.

Nabatid na naganap ang pagsabog sa Sinsuat Ave. sa harapan ng Notre Dame Hospital kaninang alas-12:10 at alas-12:15 ng tanghali kung saan nakalagpas lamang ang convoy ng kalihim nang mangyari ang pagsabog.

Dadalo sana si Robredo sa forum para sa mga hihiranging officers-in-charge sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Wala namang nasugatan sa naturang pangyayari.

Agad na nilinaw ni  Cotabato City police director S/Supt. Roberto Badian, na hindi si Robredo ang target ng nasabing pagsabog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply