Rochelle Pangilinan dinededma ang Sexbomb

LUBUS-LUBUSAN ang pasasalamat ng dating Sexbomb member na si Rochelle Pangilinan sa tiwalang binigay sa kanya ng GMA-7 para gumanap na kontrabida ni Marian Rivera sa “Amaya.” Dahil sa naturang project ay napansin ng husto ang angking galing ni Rochelle bilang isang aktres at isang kontrabida.

Maraming papuri ang kanyang natatanggap lately dahil sa pinakita niyang galing sa acting. Hindi kaya ma-type-cast na ang byuti ni Rochelle sa pagiging kontrabida at tuluyan nang mabura ang image niyang bida (remember pitong taong sunud-sunod na naging bida sa “Daisy Siete” si Rochelle at lahat ng pinagbidahan niyang serye ay top rating)?

Ayon kay Rochelle, hindi naman daw siya namimili ng trabaho at kung sakaling kontrabida ang maging role niya sa susunod na mga project niya sa GMA-7 ay willing siyang gawin ito.

Inamin din kasi ni Rochelle na sa ngayon ay feeling pressured siya kung bibigyan siya ng sariling soap. Feeling niya ay hindi pa niya kaya maliban lang daw siguro kung bibigyan siya ng mga magagaling na kasamahan sa trabaho.

Ngayong tinatamasa na ni Rochelle ang kasikatan bilang isang solo star, let’s face it, malaki ang nagawa ng dati niyang grupo na Sexbomb Girls para kanyang marating ang katayuan niya sa ngayon sa showbiz, hindi kaya niya nami-miss ang pagsasayaw kasama ang grupo?

Madiin at malutong na sinabi ni Rochelle na “no.” Say ng hitad, ang dali-dali lang daw naman niyang makasama ang mga kasamahan sa Sexbomb dahil malalapit lang naman ang bahay nila sa isa’t isa at nagkakasama pa rin naman sila kahit isang beses sa isang linggo sa “Party Pilipinas.”

***

BUONG pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa lahat ng naging sponsors sa nakaraang ‘Stars For A Cause’ ng Philippine Movie Press Club na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa noong September 18, 2011.

Maraming salamat sa mga sponsors: Governor Vilma Santos, Direk Carlo Caparas & Donna Villa, Luis Manzano, Boy Abunda, ABS-CBN, UNTV, Erase Placenta, Kim Atienza, New Placenta, Select Toyo, Ariel & Cristina Decena, Skydome SM North Edsa, Joy Mendiola of Aling Nene’s Pasalubong Center of Biñan, Laguna (for puto Binan & kutchinta snacks), Ms. Anne Michelle Pador and Greenwich SM North branch (for pizza snacks), Dr. Claudine Roura, Ms. Tina Gabon & Zerona Slimming Center, The Block branch (event sponsor) and Asenso Pinoy TV as media partner (event documentation).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply