Rochelle Pangilinan takot sa kasal

MATAGALTAGAL na rin naman ang relasyon ng dating Sexbomb na si Rochelle Pangilinan sa kanyang boyfriend na si Arthur Solinap, isa ring Kapuso hunk at nasa tamang edad na rin naman si Rochelle, kaya hindi maiwasan na matanong siya kung kailan naman plano nilang magpakasal.

Agad na sinabi ni Rochelle na wala sa plano niya ang pagpapakasal. Hindi raw sa ngayon. Ni hindi nga raw nila pinaplano o pinag-uusapan man lamang ang kasal.

Ayon pa rin kay Rochelle, hindi naman daw kasi siya naniniwala sa pagpapaplano sa buhay. Madalas daw niya kasing gawin ito noon pero ang nagiging ending daw ay hindi naman natutupad kung ano man ang plinano niya.

Kaya bahala na lang daw si Lord kung ano ang mangyayari sa kanyang personal na buhay sa hinaharap. As in ipinasa-Diyos na ni Rochelle.

Isa pa ring dahilan kung bakit takot pa siya sa ngayon sa salitang kasal ay ang pagiging breadwinner niya sa kayang pamilya at kailangan pa rin niyang mag-ipon kung sakaling dumating ang time na magpapakasal na siya.

***

BAIT-BAITAN ngayon ang drama ng magaling na actor na si Baron Geisler. Sa kanyang unang live guesting pagkalabas niya ng rehabilitation center sa “Paparazzi” ng TV5, na mapapanood tuwing Sunday, ay kakaibang Baron ang bumuluga sa mga manonood.

Sa panayam namin kay Baron, magalang at malumanay itong sumasagot sa aming mga katanungan. Tulad na lang kung ano ang pakiramdam niya ngayon na “bagong buhay” na siya. Sinabi ng actor na magaan sa kanyang kalooban at may peace of mind siya at wish niya lang sana ay tuluy-tuloy na yun tulad na lang ng hindi niya pagtikim ng alak na siyang dahilan kung bakit siya nagpa-rehab.

Sa mga taong “nasagasaan” niya dahil sa kanyang kalasingan, tulad na lang nina Yasmien Kurdi, anak nina William Martinez at Yayo Aguila, maging ang actress na si Cherie Pie Picache, isang malumanay na tugon lang ang sinabi ni Baron, nasa korte pa raw ang usapin at gusto rin ni Baron na maayos ang kaso niyang ito tulad na lang ng pagsasa-ayos niya sa kanyang buhay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply