Root crops pauunlarin ng DA

INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na bagaman isa sa pangunahing programa ng ahensiya ang rice self-sufficiency, binibigyang importansya din nila ang iba pang pagkaing kinukonsumo ng Pilipino maliban sa bigas tulad ng mga root crops.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, hindi lamang bigas ang staple food ng mga Pilipino kundi kasama na ang root crops tulad ng cassava at kamote gayundin ang mais na mahigit 14 milyong tao ang kumakain ng mais o corn grits imbes na kanin.

Batay sa food staple self-sufficiency program ng DA, ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates bukod sa bigas–tulad ng sweet potato, white corn, cassava, at saging ay tinuturing na staple foods.

Layunin ng programa na palakihin ang produksyon at bahagi ng konsumo ng mga ito lalo na sa mga lugar na hindi naman gaanong palakain ng bigas kung saan laganap ang konsumo nito.

Sa kabila nito ay maganda naman ang kinalabasan ng produksyon ng bigas para sa 3rd Quarter ng 2011.

Sinabi ni Alcala, tumaas ng halos 21 porsyento ang produksyon ng bigas mula noong nakaraang taon kung hindi tatamaan ng kalamidad ang mga palayan posibleng makamit ngayon ang pinakamataas na antas ng produksiyon ng bigas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply