Roxas, Casiño nagkasagutan sa transport strike

NAGKAROON ng sagutan sina Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Mar Roxas at Bayan Muna Partylist Representative Teddy Casiño sa isinasagawang transport strike ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Nabatid na pumunta si Roxas sa picket line ng mga raliyista sa Cubao, Quezon City kung saan doon iginiit nito na dapat sa kongreso pinagdedebatehan ang kanilang hinihiling na pagbasura sa oil deregulation law, pagtanggal ng buwis sa langis at hindi pagpapataw ng value-added tax (VAT) sa toll.

Sinabi pa ni Roxas na hindi dapat sa kalye pinag-uusapan ang naturang mga usapin dahil nakakaperwisyo ito sa publiko.

Sinagot naman ito ni Casiño at sinabing hindi dapat tawaging perwisyo ang mga tsuper dahil biktima lamang sila at ang tunay na perwisyo ay ang mga kumpanya ng langis.

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si PISTON Secretary General George San Mateo dahil si Roxas lamang ang tanging kalihim na bumaba sa kanilang picketline at nakipag-usap sa kanilang hanay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply