Roxas vs Casiño at kulelat ang Pinas

MARAMING drama ang naganap sa tigil-pasada at protestang bayan na isinagawa nina Ka George San Mateo kahapon.

Kanya-kanyang papansin ngunit talaga namang seryosong usapin ang pinag-ugatan ng tigil-pasada at protesta.

ROXAS VS CASIÑO

Isa sa mga naging kapuna-puna ang pagsugod ni DOTC Secretary Mar Roxas sa hanay ng mga nag-protesta at sabihan ang mga ito na perhuwisyo sa daloy ng sasakyan at sa publiko.

Siyempre pa, sinagot siya ni Partylist Congressman Teddy Casiño na ang mga kompanya ng langis ang tunay na perhuwisyo sa publiko.

Malamig naman ang ulo ni Ka George sa pagpapasalamat sa pagdalo ni Roxas sa kanilang pagtitipon, este, tigil pasada at protestang
bayan.

RENE ALMENDRAS ABSENT

Habang nakikipagtsikahan nang mainit ang ulo si Roxas sa mga tsuper at militante,  hindi naman mahagilap si Energy Secretary Rene Almendras.

Nasaan nga pala ang mamang ito at si Roxas pa ang sumugod sa kalsada?

Hindi ba si Almendras ang dapat na nasa kalsada unang-una para makausap ng mga nagtigil-pasada?

WALANG MAGAGAWA

O wala siyang sasabihin kundi “Wala me magagawa!”

Yaaaaaaakkk!!!

Anong klaseng opisyal yan?

Nagkakagulo na dahil sa sakop niya ang problemang oil price hike at oil deregulation law, eh, hindi man lang niya maisungaw ang kanyang ulo mula sa kanyang lungga na airconditioned!

PROBLEMA ANG PETROLYO

Sa totoo lang, mabigat na problema ang sobrang mahal na petrolyo.

Isa ito sa mga ikinasasakit sa ulo at ikinawawakwak ng bulsa ng mamamayan.

Kahit pa sa hanay ng mga negosyante.

Mahal na nga ang petrolyo ng mga kompanyang langis, pinamamahal pa ng Expanded Value Added Tax na ipinapataw ng gobyerno rito.

Sa kuwenta nina Ka George, nasa P5 sa diesel at nasa P6 sa gasolina ang EVAT.

Kung hindi marunong na magpasa ang mga negosyante ng EVAT sa mamamayan, bagsak ang kanilang negosyo.

Tapos may toll pa sa mga kalsada na may EVAT ding 12%.

GUTOM ANG IKINABUBUHAY

Ang mamamayan ay talagang hirap sa EVAT sa petrolyo at toll na yan na kakambal ng oil price hike.

Kahit sinong magta-traysikel ang tanungin mo, karamihan sa kanila ang nabubuhay sa gutom dahil sa mga EVAT at oil price hike na yan.

Nakararami rin sa mga tsuper ng dyipni ang may ganitong kalagayan.

At nang sumugod si Roxas sa lugar ng mga welgista at raliyesta, ang mga nagrereklamo sa gutom ang sinabihan nitong istorbo sa publiko?

He-he-he!

Rahan-rahan lang, Mr. Secretary.

Baka naman gusto mong kalimutan ang labanan ninyo ni Rambotito sa 2016!

PINAS LAST CHOICE

Sa survey ng mga negosyante, mga Bro, itong mahal kong Pinas pala ang pinakahuli sa listahan ng paglalagakan nila ng puhunan.

Mas gusto pa nila sa mga komunista at Muslim na bansa magtayo ng kanilang mga negosyo, pabrika at kung ano-ano pa.

KALIWA’T KANANG KORAPSYON

Ano ang dahilan?

Korapsyon ang isa at ang pabago-bagong patakaran sa negosyo.

Halimbawa, kung matuwid ang daan ngayon, iniisip nilang babalik at babalik ang liko-likong daan at pandarambong sa susunod at magiging walang kaibhan ang lahat sa nakaraan na puro korapsyon ang inatupag ng mga nakaupo.

PINAKAMAHAL NA KURYENTE

Pero maliwanag din na ang napakamahal na langis at kuryente ang kabilang sa mga dahilan ng hindi pagtatayo ng mga dayuhan ng negosyo sa Pinas.

Akalain ba naman kasi natin na pinakamahal ang kuryente sa atin kumpara sa mga nasa ibang bansa.

Pagkatapos ay andiyan pa ang oil price hike na tila wala nang katapusan. Ang lalaki pa naman ang halaga rito kumpara sa pabarya-baryang oil price rollback ng mga kompanya ng langis.

DAPAT ITUWID ANG LAHAT

Bago pa man magkandahetot-hetot ang lahat, aba, dapat nating ituwid ang lahat ng mga pagkakamali, lahat ng mga baluktot na daan sa pamahalaan.

Baka dito kayo makatulong, Sec. Roxas. He-he-he!

Burahin na lang sa usapan si Almendras.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

LRT HINDI NALULUGI

Bakit naman malulugi ang LRT, eh, araw-araw na overloaded ito ng pasahero? Sobra pang siksikan at marami ang insidente na may naiipit. Hindi tayo magtataka kung walang sumasakay at nalulugi.
Tsaka, dati may mga guard na sumasakay sa bawat train, ngayon wala na para sitahin ang mga bawal na gawain sa loob ng lrt. At dapat wala nang mga reminder kasi  hindi rin sinusu-nod ng mga pasahero.

Dapat maging mahigpit naman sila at hindi overloaded ang sakay.
Dapat maglagay din sila ng load capacity para na rin sa kaligtasan ng marami..R-KU MANILA +63923979….

BARKER GAMIT NG KOTONG COPS

Gud am, idol. Dito po sa  Citimall-Philcoa jeep terminal, ang mga barker po ang ginagamit sa pangongotong ng mga pulis sa mga kawawang driver. +63948391….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply