Ruffy Biazon bagong BoC commissioner

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si 2nd district, Cagayan de Oro Representative Rozzano Rufino “Ruffy” Biazon bilang bagong Bureau of Customs (BOC) Commissioner habang si dating Army general Danilo Lim naman ay Customs deputy commissioner for intelligence.

Pinalitan ni Rodriguez si dating BoC Commissioner Angelito Alvarez na napilitang magbitiw sa tungkulin matapos masangkot ang pangalan sa smuggling.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na naniniwala ang Pangulo na kayang maipagpatuloy ni Biazon ang reporma sa Customs at maabot ang revenue collections.

“The competence of Biazon is unquestionable,” anito.

Si Biazon ay anak ni dating senador at ngayon ay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon.

Habang si Lim  naman ay nagtapos sa US Military Academy na makailang ulit na nadawit  sa ilang kudeta noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino at Arroyo administration.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply