Sa pagbabalik bansa: Iwa Moto ayaw paawat talaga at may pasalubong na pasabog

TILA may pagbabanta sa kampo ng sexy young Kapuso actress na si Iwa Moto sa kanyang latest interview mula sa Japan, sa kanyang pagbabalik Pilipinas. Dalawang buwan na sa Japan si Iwa kasama ang kapatid at inaayos ang kanyang citizenship. Samantalang ang kapatid naman niya ay Japanese citizen na. Nakarating kasi sa kaalaman ng sexy actress ang tsikang nagparetoke siya kung kaya mas maganda siya ngayon kaysa rati. May nakakita raw kasi sa kanya sa Japan na super blooming daw ngayon ang hitad. Ayon kay Iwa, wala naman daw siyang pinaayos sa kanyang katawan, at lalong hindi raw siya buntis, na isa rin sa kumakalat na tsika kung bakit siya biglang nag-fly papuntang Japan.

Sa kanyang pagbabalik-Pinas, mariing sinabi ng sexy actress na may aasikasuhin siya at antayin lang ang kanyang pagbabalik para naman daw makipagtuos sa mga taong ayaw siyang tantanan.

Well, may kinalaman kaya ang isisiwalat ni Iwa sa isyung kasal nila ng dating boypren na ngayon ay na kay Janna Dominguez na at balitang buntis na raw?

***

IBANG klase talaga ang Wonder Gays ni Lito de Guzman, grabe talaga ang lakas ng hatak nila sa masa. Mapa-bata man, matanda, babae, lalaki o kapwa nila bading ay tuwang-tuwa sa naturang grupo.

Minsan ay napanood ng inyong lingkod ang grupong ito sa opening ng Victory Park & Shop sa Antipolo City, tabing-tabi ng Antipolo Church, at sila ang hosts/performers. Walang katapusang tawanan, sigawan at palakpakan ang binibigay ng audience sa Wonder Gays. Bukod kasi sa magagaling silang singers ay kuwelang-kuwela rin silang tumayong mga host, walang sapawan at maganda ang batuhan nila ng jokes sa isa’t isa. No wonder, malayo na ang narating ng grupong ito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang grupo ng bading ngayon ang bibigyan ng panahon ni Mother Lito de Guzman para i-build up pagkatapos niyang pasikatan ang Baywalk Bodies na pawang may kanya-kanya nang buhay ngayon at karir.

Kamakailan lamang ay ni-launch ang second album ng Wonder Gays, ang Blind Item, na naglalaman ng mga siguradong magiging hit sa masa tulad na lang ng ‘Pare,’ ‘Kiyeme Lang Yon,’ ‘Hi Hello’ and ‘Oh Lala,’’ Sure winner ang bagong alaga na ito ni Madir Lito, and for bookings of Wonder Gays in events and show, call LDG Productions at 413-6791, 441-1276 or 0923-899-7172 and ask for Maricon or Connie Cabalejo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply