Sa yaman ni Ai-Ai… type raw niyang mag-emote ng TV set kay Bossing

KILIG ang initial reaction ng Comedy at Box-Office Queen na si Ai-Ai delas Alas  nu’ng magkita sila ni Vic Sotto sa set ng “Enteng ng Ina Mo” na official entry sa December filmfest directed by Tony Reyes. Ang pogi raw kasi ni Vic nu’ng makita niya habang naka-shades.

Papa at Bosing daw ang tawag niya kay Vic sa set. Pero itinanggi ni Ai-Ai na nagpa-pa-girl siya kay Vic sa set ng movie nila. Nae-excite lang si Ai-Ai dahil may kissing scene sila ni Vic sa movie.

“Marami. Maraming attempt at actual, hahaha! Basta ang kay Bosing lang, walang kasalan gusto niya. Okey lang sa kanya ang kissing scene huwag lang ang kasalan. Ayaw niya ng wedding. Ewan ko kung bakit ayaw niya. Siguro kasi kapag may wedding, kapag kinakasal namamatay ang asawa ko ‘di ba,” pahayag ni Ai-Ai.

Bukod sa kissing scene nila ni Vic, nilu-look forward din ni Ai-Ai ang maging close sila ng Box-Office King.

“Close na close na sa isang point na mabibigyan niya ako ng television. Gusto ko TV set. Meron ako’ng TV sa bahay pero kasi gusto ko’ng dagdagan,” ngiti ni Ai-Ai.

Akala namin ay anak ang hihilingin ni Ai-Ai kay Vic. Sagot nito, hindi na raw ‘yun pwede kahit gustuhin pa niya.

“Alam mo naman lolo mo ‘di ba? Hindi na rin kabataan,” sabi pa niya.

January this year unang na-excite si Ai-Ai kung sino ang susunod na makakasama niya sa next project niya under Star Cinema. Gusto sana ni Ai-Ai si Batangas Governor Vilma Santos or si John Lloyd Cruz ang makasama niya on her next film assignment.

“Sabi sa akin ni Tita Malou, ‘May surprise ako sa ‘yo. Hindi si John Lloyd ang ibibigay ko sa ‘yo.’ Sabi ko, ‘Sino?’ ‘Basta, wait  ka lang.’ So, wait. Eto na pala ‘yung surprise. Sabi ko, ‘Wow! Diyos ko, dream come true and prayers answered.’ Answered prayer talaga,” lahad ni Ai-Ai.

Nagpa-plano naman ang best friend ni Ai-Ai at TV host na si Allan K na muling buhayin ang super kilik na klik na “Nura at Velma” nila noon ni Leonard Obal. Since nandito na nga ulit sa Pinas ang Superstar na si Nora Aunor at nabuhay muli ang rivalry nila ni Governor Vilma Santos, bakit nga naman hindi i-revive ang “Nura at Velma” with Ai-Ai. Konek din sa kwento si Ai-Ai dahil talagang mag-bestfriend sila in real life ni Allan at Vilmanian naman talaga ang Comedy Queen.

If plans will push through, type ni Allan na sa Araneta Coliseum nila gawin at ang magiging title ay “Love ko si Nora, Love ko si Vilma.”

oOo

MULING pinalabas ng tuluy-tuloy ang buong episode last week ng Reputasyon sa ABS-CBN bago mag-ASAP Rocks. Kahit napanood na namin ang buong linggong episode sa hapon pagkatapos ng “Happy, Yipee, Yehey!” tinutukan pa rin namin ang marathon telecast ng Reputasyon at lalo kaming na-hook sa ganda ng kwento at mga eksena, ha?

The reason kaya nagkaroon ng marathon telecast ang “Reputasyon” last Sunday ay dahil sa paglipat nito sa panibagong timeslot simula nu’ng Lunes. From an early afternoon airing, nalipat na siya sa 5:30 p.m. telecast.

Sabi nga ng bida ng Reputasyon na si Cristine Reyes, finally, mapagbibigyan na ang request ng maraming televiewers na i-ere sila sa medyo pa-primetime na. So, for sure, haping-happy ang fans ni Cristine at mga gustong mapanood ang Reputasyon sa bago nitong timeslot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply