Sahod ng mga kinder teacher ibibigay na

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na kasalukuyan nilang inaayos ang kinakailangang dokumento para sa nabinbing sahod ng mga kindergarten teachers.

Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, minamadali na nila ang proseso para maibibigay na sa lalong madaling panahon ang sahod ng mga guro.

Ang aksiyon ng DepEd ay matapos na hilingin ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ilabas sa lalong madaling panahon ang sahod ng mga kindergarten teachers.

Ayon kay Emmalyn Policarpio, tagapagsalita ng TDC, may 27,793 kindergarten teachers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang sahod simula noong magbukas ang klase noong Hunyo.

“Maliit na nga ang suweldo nila, hindi pa ibinibigay. Paano naman ang kani-kanilang mga pamilya,” ani Policarpio.

Nabatid na ang mga kindergarten teachers ay sumasahod lamang ng P3,000 sa loob ng isang buwan subalit binibitin pa ito ng nasabing ahensiya dahil umano sa tinatapos pang mga dokumento. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply