Sali ka?

NAGULAT at natuwa ako sa reaksyon ng mga mambabasa ng kolum natin dun sa panukala ko na imbes mag “planking” sa kalsada para kondenahin ang sobrang taas ng gasolina ay subukan nating magtiis na hindi magpa-gasolina kahit isang araw lang.

Ang daming gustong sumali, tinatanong ako kung paano raw natin pwedeng gawin yun.

Iminumungkahi sa akin na pamunuan ko ang kampanya para sa isang araw na pag-iwas sa paggamit at pagbili ng gasolina.

Kung marami raw ang mag-paparticipate ay mararamdaman din ng mga kompanya ng langis na malaking kawalan sa kita nila ang hindi pagsuporta ng mga mamimili sa kanilang produkto.

Naisip ko na talagang sobra na ang personal na epekto ng mataas na presyo ng gasolina sa ating mga Filipino na lahat ay susubukang gawin maiparating lang sa gobyerno ang kanilang mga hinaing.

At parang hindi na sila naniniwala na may magagawa pa nga ang gobyerno para matulungan sila.

Kahapon, naglabasan ang pahayag ni Ramon Ang, ang pinuno at pinakamakapangyarihan sa grupo na nagmamay-ari ng Petron na maliit lang naman daw ang totoong kita nila.

Mas malaki pa raw ang kita ng gobyerno mula sa buwis na ipinapataw sa mga produktong petrolyo.

Ang kaso nga lang ay mababawasan ang kita ng gobyerno para sa iba namang gastusin ng pamahalaan.

Huwag na nating iasa sa iba na mabibigyang boses ang karaingan ng maraming mamamayan, yun ang gusto ko sanang mang-yari nang ipanukala ko ang isang araw na tigil sa pagbili ng gasolina.

May mga kumontra rin naman. Paano daw ang kanilang mga appointment, paano daw ang kanilang mga negosyo at yung iba paano daw pag emergency.

May mga exception naman syempre, isa pa hindi pilitan. May mga kaya naman na magsakripisyo, hindi lalabas ng bahay para hindi makagamit ng gasolina.

Isang buong araw na hindi bibili ng gasolina.

Sigurado ako na malaki ang epekto nito sa kita ng mga kom-panya ng langis at magiging isang epektibong protesta ito.

Ikaw, pabor ka ba o kontra sa isang araw na tigil ng pagbili ng gasolina.

Gusto kong malaman kung marami talaga ang sasali kung sakali.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply