Salpukan ng 2 tren sa Shanghai: Pinoy sugatan

KABILANG ang isang Filipino sa napaulat na 270 kataong nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang metro trains kahapon, Setyembre 27 sa Shanghai.

Nabatid na kabilang sa mga sugatan ang dalawang Japanese, isang Canadian at isang Pinoy na pawang nagtamo ng minor injuries makaraang magsalpukan ang dalawang train sa line 10 na isa sa pinakabagong subway ng Shanghai.

Napag-alaman na naging mabilis ang pag-expand ng Shanghai ng railway system nito subalit nagkaroon ng mga problema kagaya ng faulty signaling kung saan basag ang mga bintana, sira ang pintuan ng mga tren.,

Nabatid na hindi nasanay nang mabuti ang mga operators kung kaya nangyari ang insidente bagama’t wala namang naiulat na nasawi ngunit ayon sa isang health official, nanatili pa rin sa mga pagamutan ang may 61 mga biktima habang 30 iba pa ang under observation.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply