Salpukang Lady Stags at Lady Troopers sa Shakey’s V-League

PINAL na San Sebastian College Recoletos Stags at Philippine Army ang magpapaluan sa best-of-three finals ng Shakey’s V-League Open Conference na magsisimula sa Linggo sa The Arena, San Juan City.

Naiporma ang banggan ng Lady Stags at ng Lady Troopers kasunod ng pagpapadapa ng Lady Stags sa Lady Sailors, 25-23, 25-18, 25-19, habang pinalagapak ng Lady Troopers ang Lady Eagles ng Ateneo sa loob ng 3-straight sets, 25-19, 25-21, 25-22.

Nasapawan ni Jeng Bualee ang kapwa import na si Lauren Ford sa kanyang mga hits kabilang ang 21 kills kumpara sa 10 atake ng Amerikanang import. Nagpamalas ng lakas at katatagan ang Lady Troopers sa ipinuntos na double digit ng limang player sa pangunguna ng 11 ni Rachel Ann Daquiz at tig-sasampu nina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Joan Dunag at Cristina Salac.

Bago simulan ang first game ng best of three ng Lady Stags at Lady Troopers sa Linggo ay idaraos muna ang awards night bilang pagpapahalaga sa mga magagaling na manlalaro ng kasalukuyang Shakey’s Open Conference.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply