Sandbag inilagay sa seawall ng Baywalk

NAGLAGAY na ng mga sandbag  ang mga awtoridad sa seawall sa Baywalk sa Roxas Boulevard matapos itong mawasak ng storm surge dulot ng bagyong “Pedring.”

Ang mga sand bag ang magsisilbing pananggalang sa malalaking alon upang hindi umapaw ang tubig sa Manila Bay at bumaha sa nasabing lugar habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng nasabing lugar pasyalan.

Bagama’t nawasak ni “Pedring” ang Baywalk sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila ay marami pa rin ang namamasyal sa lugar.

Ilang mga kababayan naman ang itinuturing na delubyo ang nangyari paghupit ni “Pedring” dahil sa kanilang nasaksihan nang wasakin nito ang sea wall, lamp post, bricks na tiles at maging ang estatwa ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

Nauna nang inihayag ni Manila City Engineer Armand Andres na tatagal ng tatlong buwan bago maibalik ang ganda ng Baywalk kung saan sinasabing aabot sa P30 milyon ang halaga ng iniwang pinsala nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply