Sangkaterbang pampasabog, nasabat sa Quezon

NASABAT ng awtoridad sa isang checkpoint ang sangkaterbang pampasabog sa Pagbilao, Quezon.

Nakumpiska ang 130 piraso ng explosives, 110 metro ng blasting fuse at 200 piraso ng blasting caps habang lulan ng pampasaherong jeep.

Inaresto rin ang dalawang may dalang pampasabog na sina Edgar Navarro at Nilo Oslo.

Ayon sa dalawa, ipinadala lamang sa kanila ng isang Edwin mula Taysan, Batangas ang mga nasabing pampasabog at kanilang dadalhin sa Buenavista, Quezon.

Kaugnay nito, inalerto na ng mga pulis ang tropa ng Philippine Army sa Buenavista hinggil sa insidente sa hinalang dadalhin ang mga pampasabog sa kampo ng New People’s Army.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply