Sangkaterbang pirated CDs, DVDs nakumpiska sa CDO

NASASAM ng mga operatiba ng Optical Media Board (OMB) at Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) Region 10  ang saku-sakong pirated na digital versatile discs (DVDs) at compact discs (CDs) sa ilang mga palengke sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ang mga nakumpiskang pirated CDs at DVDs ay kaugnay sa  inilunsad na kamapanya ng OMB at nasamsam sa isinagawang  lightning raid batay na rin sa kautusan ni dating action star Ronnie Rickets na siyang chairman ng ahensiya.

Ayon kay OMB agent enforcer Manuel Manggubat, umaabot sa anim na public utility jeeps (PUJs) na puno ng pirated DVDs at CDs ang kanilang nasamsam mula sa mga stall ng Cogon market at ilang
unlicensed computer units na galing naman sa mga business establishment sa siyudad.

Sinabi ni Manggubat, nasa pangangalaga ngayon ng CIDG office ang nasabing mga confiscated materials habang hinihintay pa ang go-signal para ito ay durugin.

Mahaharap naman ng ilang buwang pagkakakulong ang mga may-ari ng pekeng mga gamit at pagmumultahin ng P25,000 hanggang P50,000 depende sa magiging hatol ng korte.

Ilang mga palengke pa umano sa siyudad at ibang bahagi ng rehiyon ang papasukin ng OMB alinsunod sa kampanya na total crackdown campaign laban sa mga pirated DVDs at CDs na siyang sanhi ng paghina ng film industry sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply