Sangkot sa ‘PNP pension scam’ pinabubunyag kay Robredo

HINAMON ngayon (Biyernes, Setyembre 2) ng isang kongresista si Interior Secretary Jesse Robredo na pangalanan ang sinasabi nitong mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sinasabing siyang utak sa paglalagay ng “ghosts pensioners” sa PNP.

Ang hamon ay ginawa ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Rep. Sherwin Tugna, dahil labis siyang naaalarma sa isyung ibinunyag ni Robredo lalo pa at kasalukuyang nasa gitna ng kotrobersiya ang PNP.

Paliwanag ni Tugna na hindi makabubuti para sa PNP na lalong madiin sa iba’t ibang anomalya kung hindi ay dapat aniyang mabura ang pagdududa at pagtatanong ng publiko kaugnay sa administrasyon ng pambansang kapulisan.

Ang PNP pa naman aniya ang nagbibigay ng proteksiyon sa publiko subalit dahil sa panibagong kontrobersyang ito ay muling mababahiran ng pag-aalinlangan ang integridad at karangalan ng pambansang kapulisan.

Naunang ibinunyag ni Robredo na ang gobyerno ay gumagastos ng halos P1 bilyon kada buwan sa pensyon ng mga retiraadong miyembro ng PNP sa loob ng nakalipas na limang taon simula pa noong 2006 kung saan ang mga benepisyaryo umano nito ay hindi nag e-exist sa PNP Retirement and Benefits Administration Service.

Kailangan umanong tulungan ng kalihim ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga pangalan ng sinasabing nitong mga opisyal  na sangkot upang maimbestigahan.

Iginiit pa ni Tugna na sa sandaling mapatunayang nagkasala ang mga opisyal na babanggitin ni Robredo ay dapat na makasuhan at managot sa bayan.

Ngunit sinabi ng kongresista na mababalewala lahat ang pagbubunyag ni Robredo kung hindi nito papangalan ang mga opisyal na sangkot sa kontrobersiya kaya dapat unang maging hakbang ng kalihim ay ang sugpuin ang katiwalian sa PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply