Sarah G. medyo lumalaki na ang mga braso at pata

EPEKTO ba ng pagiging endorser ni Sarah Geronimo ng isang seasoning ingredients ang medyo pananaba niya ngayon?

Baka kasi sa kaluluto niya ay napabayaan na siya sa kusina at obvious na ang paglaki ng kanyang mga braso at pata.

Sa isang episode ng ASAP Rocks na aming napanood lately ay hindi na makasabay sa kaseksihan nila Anne Curtis, Kim Chiu at Toni Gonzaga ang Pop Star Princess. Imagine, lahat ng mga kasamahan niya (Sarah) sa sexy production number na ‘yon ay naka-t-shirts and shorts outfit lahat. Tanging ang daughter lang na ni Mommy Divine ang nakasuot ng pants sa nasabing number samantalang sa pagkakaalam namin ay maganda naman ang legs nito.

Well, kasi naman, papano siya sasabay nang paseksihan eh medyo nagiging mabilog na nga siya. Dapat bigyan naman ng time ni Sarah ang kanyang sarili na mag-diet upang bumalik uli ang magandang figure niya. Sa TV at big screen pa naman walang photo shop unlike sa picture puwedeng retokehin. Saka sayang din ang mga endorsement mas maraming career kapag payat ka. Tinuod (totoo) gyud!

***

Wonder Gays tagapagtangol ng mga bading na sawi sa pag-ibig

NOONG birthday ni Mama Lito de Guzman a few months ago na ginanap sa sariling Fards Inasal Chicken Resto nito sa may Imus Cavite ay slight na ipinakilala na sa invited press ang all-gay singing group na Wonder Gays na kinabibilangan nila Blue, Black, White, Green, Pink at ang pinaka-pretty sa grupo na si Gray. That evening ay impressed na kaagad kami sa talent ng mga bading na talaga namang may aliw factor habang nagko-comedy at sing Particular na itong si White. Wow birit kung birit ang drama niya. At dahil released na at puwede nyo nang mabili sa mga record bars ang kanilang unang album na distributed nationwide ng D’ Concorde Recording Corporation na produced naman ni Mama Lito sa ilalim ng LDG Productions ng controversial na talent manager, hayun at nagpatawag sila ng grand presscon na ginanap sa R Bistro sa may Victoria Towers, Timog at isa-isa nang ipinakilala sa entertainment press at mga TV field reporters ang miyembro nito.

At mga Ateh, hindi lang ang Blind Item na sikat na sikat na sa airwaves ang magugustuhan nIyo sa album ng mga kapatid nating ito kundi mayroon din silang love song rito titled “Hi, Hello” na kanilang inihahandog sa mga bading na sawi sa pag-ibig na binabalikan ng Papang nagsisi na. Kaya lang, ang masaklap wala ng weather ang baklah! Ilan pa sa included sa album ay ang Pare, Kyeme Lang Yon, at Ooh Lala! Ang album producer ng said album ay si Blanktape at ito rin ang nag-compose ng “Kyeme Lang ‘Yon” and the rest ay si R2 Evangelista naman ang sumulat. All songs were arranged by Mr. Benjie Pating Jr. For us kapag na-release na ang Hi, Hello at prinu- mote ito nang husto ni Mama Lito at ng kanyang Wonder Gays ay magiging surefire hit ang awiting ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply