Menor de edad umamin sa pagpatay sa ina, kapatid

NASA kustodiya na ng pulisya ang 16-anyos na suspek sa pamamaslang sa buntis at 5-anyos na babae na sarili pala niyang ina at kapatid sa Brgy. Naalad, Naga, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Oliver Cabarse, 16, sariling anak ng biktimang si Virgindina Bantilan sa kanyang pagkadalaga

Nabatid na umamin ang suspek sa pamamaslang matapos na isinailalim ito sa interogasyon kung saan ayon sa kanya, inutusan lamang siya ng kanyang kaibigan na nakilala lamang sa pangalang Pansoy, na gawin ang nasabing krimen habang sila ay nag-iinuman.

pinukpok umano ni Oliver ang ulo ng kanyang ina at kapatid, gamit ang isang baril at nang mawalan na ng malay ang mga biktima ay tinadtad umano nito ng saksak ang katawan ng dalawa at lumayo sa kanilang pamamahay bitbit ang pera at mahahalagang bagay.

Nakatakdang i-turnover sa suspek sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil ito ay menor-de-edad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply