Sasakyan ni Binay nasunog o sinunog?

INAALAM pa ng awtoridad ang sanhi ng pagkasunog ng itim na Ford Advanced Truck na sinasabing pag-aari ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Fire Officer Segundo Gumon ng Makati Fire Department, bandang 2:00 ng madaling araw nangyari ang insidente sa isang parking area sa lungsod na ginagamit ng mga Binay.

Naagapan naman umano ang pagkalat ng apoy at walang nasaktan sa pangyayari, habang harapang bahagi lamang ng SUV ang napinsala ng apoy.

Hinihinalang sa engine nag-umpisa ang sunog at kumalat lamang sa ibang bahagi ng sasakyan.

Ilang impormasyon naman ang nagsasabi na kay Makati City Mayor Jun-Jun Binay ang nasabing sasakyan at hindi sa Pangalawang Pangulo.

Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng mga Binay sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply